Villar kinontra ang mga plano ng National Dairy Authority

MAYNILA — Kinontra ni Sen. Cynthia Villar ang National Dairy Authority (NDA) sa balak nitong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mapataas ang produksyon ng dairy products sa bansa.

Sabi ni NDA administrator Farrel Benjelix Magtoto, itutuloy nila ang partnership sa mga LGU at may mga local investors na sila.

“We will also sustain the partnership with the LGUs. Marami na pong local investors at international investors,” ani Magtoto sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform kaugnay sa mga panukalang batas na nagsusulong ng Philippine livestock industry.

Pero kinontra ito ni Villar.

“Hindi totoo yan huwag mong sabihin yan… Ang mga local government hindi naman lahat mayaman, ang mayaman lang yung nasa cities. Yung mga nasa cities hindi naman interesado sa dairy. Ako lang yung nasa city na interesado sa dairy. Pero lahat sila hindi interesado sa dairy,” Ani Villar.

Ang LGU aniya na interesado sa dairy products ay yung mahihirap na LGU.

May iba rin anyang prayoridad ang mga LGU gaya ng imprastraktura kung saan nakakakuha sila ng porsyonto.

Ang dami pa nilang priority. .

Ngayong taon, higit P400 million ang pondo na inilaan sa NDA para sa pagpaparami ng mga baka at kalabaw.

Target na itayo ang stock farm sa Echague, Isabela o sa Quirino habang ang French government planong tumulong sa pagtatayo ng nucleus farm sa Bohol.

Sabi ni Villar, masyadong malayo ang Isabela at kinuwestyon din niya na sa laki ng budget ay bakit isa lang ang itatayo.

Alam mo ako may grazing capacity ako sa Las Piñas. Hindi kami nabili ng pagkain ng kalabaw. Sa Las Piñas yun ah, Metro Manila. Sobrang layo nung Echague, Isabela. Sana hindi na lang kita binigyan ng budget, ang tigas ng ulo mo Diba maganda sa Central Luzon malapit-lapit sa ating lahat? Dadalhin mo sa Echague, Isabela, sa dulo ng mundo yun eh,” sabi ni Villar.

Sabi pa ni Villar, kung maglalagay sa Northern Luzon ng grazing farm ay dapat maglagay din sa Southern Luzon.

Dapat din aniya na magkaroon hanggang sa Mindanao.

Nangako naman si Magtoto na titingin ng panibagong lugar para sa grazing farm nila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

.

Leave a Comment